Posts

Showing posts from October, 2022
Image
  "Itanong mo sa Bituin" Isang gabi'y manungaw ka. Sa bunton ng panganorin ay tanawin ang ulila't naglalamay na bituin; Sa bitui'y itanong mo ang ngalan ng aking giliw at kung siya'y magtatapat, ngalan mo ang sasabihin. Ang bitui'y kapatid mo. Kung siya ma'y nasa langit, ikaw'y ditong nasa lupa't bituin ka ng pag-ibig; dahil diya'y itanong mo sa bituin mong kapatid kundi ikaw ang dalagang minamahal ko nang labis. Itanong mo sa bitui't bituin ang nakakita nang ako ay umagahin sa piling ng mga dusa; minagdamag ang palad ko sa pagtawag ng Amada, ngunit ikaw na tinawag, lumayo na't nagtago pa. Mensahe Ang pagkakaintindi, ang nilalaman ng tulang ito ay isang kwento ng lalaki na nagtatanong sa bituin kung anong pangalan ng kanyang minamahal Sa aking pagkakaintindi dito sa unang sakno,  sa isang gabi lumabas siya para manalangin at tumanong sa mga bituin na sana matupad ang kanyang hinihiling at mapasakanya siya. Sa pangalawa naman ay kung
Image
  "Kahit saan" Kung sa mga daang nilalakaran mo, may puting bulaklak ang nagyukong damo na nang dumaan ka ay biglang tumungo tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . . Irog, iya’y ako! Kung may isang ibong tuwing takipsilim, nilalapitan ka at titingin-tingin, kung sa iyong silid masok na magiliw at ika’y awitan sa gabing malalim. . . Ako iyan, Giliw! Kung tumingala ka sa gabing payapa at sa langit nama’y may ulilang tala na sinasabugan ikaw sa bintana ng kanyang malungkot na sinag ng luha Iya’y ako, Mutya! Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga, isang paruparo ang iyong nakita na sa masetas mong didiligin sana ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . . Iya’y ako, Sinta! Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw, kundi mo mapahid sa panghihinayang at nalulungkot ka sa kapighatian. . . Yao’y ako, Hirang! Ngunit kung ibig mong makita pa ako, akong totohanang nagmahal sa iyo; hindi kalayuan, ikaw ay tumungo sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . . mag
Image
  "Agaw-Dilim" Namatay ang araw sa dakong kanluran, nang kinabukasa’y pamuling sumilang, ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw ay bukod-tangi kang di ko na namasdan? Naluoy sa hardin ang liryo at hasmin, Mayo nang dumating pamuling nagsupling, ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw dalawang Mayo nang nagtago sa akin? Lumipad ang ibon sa pugad sa kahoy, dumating ang hapon at muling naroon, ngunit ikaw, buhay, ano’t hangga ngayo’y di pa nagbabalik at di ko matunton? Mensahe Sa unang talata ang sinasabi dito ay nagbago na ang mundo ko noong pumanaw siya,  ikaw na nga nagpapabago ang buhay niya. Dito naman sa ikalawang talata ang mga  masayang ala ala at mga araw maraming pinagdadaanan pero an doon siya lagi para  suportahan siya. At pang huli ito ang pinagalungkot noong nalaman na pumanaw na  ang pinaka importanteng tao sa kanya at ang mga huling paalam bago siya nawala  sa kanilang paningin.
Image
  "Kamay ng Birhen" Mapuputing kamay, malasutla’t lambot kung hinahawi mo itong aking buhok ang lahat ng aking dalita sa loob ay nalilimot ko nang lubos na lubos. At parang bulaklak na nangakabuka ang iyong daliring talulot ng ganda; kung nasasalat ko, O butihing sinta, parang ang bulakiak kahalikan ko na. Kamay na mabait, may bulak sa lambot may puyo sa gitna paglikom sa loob, magagandang kamay na parang may gamot, isang daang sugat nabura sa haplos. Parang mga ibong maputi’t mabait na nakakatulog sa tapat ng dibdib ito’y bumubuka sa isa kong halik at sa aking pisngi ay napakatamis. Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen ay napababait ang kahit salarin; ako ay masama, nang ikaw’y giliwin ay nagpakabait nang iyong haplusin. Mensahe Nagsisimula ito sa pagkabata at patuloy itong nagiging matayog hanggang sa pagtanda. Ngunit lahat ng bagay ay may katapusan. Dumadating tayo sa punto ng ating buhay na kailangan na nating mamaalam sa mga mahal natin sa buhay. Kayat habang nabubuh
Image
"ANG MAGANDANG PAROL" Isang papel itong ginawa ng lolo may pula, may asul, may buntot sa dulo; sa tuwing darating ang masayang Pasko ang parol na ito’y makikita ninyo. Sa aming bintana doon nakasabit kung hipan ng hangi’y tatagi-tagilid, at parang tao ring bago na ang bihis at sinasalubong ang Paskong malamig. Kung kami’y tutungo doon sa simbahan ang parol ang aming siyang tagatanglaw, at kung gabi namang malabo ang buwan sa tapat ng parol doon ang laruan. Kung aking hudyatin tanang kalaguyo, mga kapwa bata ng pahat kong kuro, ang aming hudyatan ay mapaghuhulo: “Sa tapat ng lolo tayo maglalaro.” Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon, sa bawat paghihip ng amihang simoy, iyang nakasabit na naiwang parol nariyan ang diwa noong aming ingkong. Nasa kanyang kulay ang magandang nasa, nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa, parang sinasabi ng isang matanda: “Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.” Mensahe Sa unang saknong, mapapansin natin ang mga salitang “Isang papel itong ginawa ng l
Image
  Sintesis      Ang blog na ito ay isang koleksyon ng mga pagsusuri ng mga tula ni Jose Corazon de Jesus. Ang mga tula na binigyang pagsusuri ay ang mga sumusunod; “Ang Magandang Parol”, “Kamay ng Birhen”, “Agaw-Dilim”, “Kahit saan” at “Itanong mo sa Bituin”. Marami leksyon at kaalaman ang maaring mapulot sa mga tula ni Jose Corazon de Jesus. Kada tula nya ay may mga magagandang kaisipan na tumatakay sa paksa at mga imaheng nabubuo sa mga imahinasyon ng mambabasa. Ang tulang "Ang Magandang Parol" ay tungkol sa isang lolo na may ginawang magandang parol. Ang parol ay ang tradisyunal na parol na ubiquitous sa panahon ng kapaskuhan sa Pilipinas. Ang tulang "Kamay ng Birhen" ay isang tula na nananahan sa kagandahan at likas na kakayahan ng isang dalaga na baguhin ang isang hamak na tao sa isang mabuting tao. Ang tulang "Agaw-Dilim" ay isinulat ni Jose Corazon De Jesus o mas kilala rin sa tawag na Huseng Batute. Upang suriin ang tulang ito,
Image
         Si Jose Corazon de Jesus ay itinuturing na pinakanangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong Americano. Pinakapopular niyang sagisag-panulat ang Huseng Batute at ginamit niya sa napakapopular na patulang kolum na may titulong Buhay Maynila.     Hinangaan si Batute bilang makisig at mahusay na mambibigkas. Siya ang itinanghal na unang Hari ng Balagtasan. Para siyang superstar noong panahon ng Americano kayâ ang kaniyang mga pagbigkas ng tula ay dinudumog ng madla. Pinakapaborito ng taum-bayan ang mga tulang “Ang Manok Kong Bulik” (1919), “Ang Pagbabalik” (1924), “Ang Pamana” (1925), “Pag- ibig” (1926), “Manggagawa” (1929), at “Isang Punongka- hoy” (1932). Nang mamatay siya noong 26 Mayo 1932 ay nagluksa ang bayan at isa sa pinakamahabàng libing sa kasaysayan ang paghahatid sa kaniyang bangkay sa Cementerio del Norte.     Lumikha rin si Batute ng mga titik para sa mga kanta. Pinakapopular sa mga ito ang “Bayan Ko” na naging pangunahing kantang tagapagpahayag ng pagmamahal s