"ANG MAGANDANG PAROL"


Isang papel itong ginawa ng lolo

may pula, may asul, may buntot sa dulo;

sa tuwing darating ang masayang Pasko

ang parol na ito’y makikita ninyo.

Sa aming bintana doon nakasabit

kung hipan ng hangi’y tatagi-tagilid,

at parang tao ring bago na ang bihis

at sinasalubong ang Paskong malamig.


Kung kami’y tutungo doon sa simbahan

ang parol ang aming siyang tagatanglaw,

at kung gabi namang malabo ang buwan

sa tapat ng parol doon ang laruan.


Kung aking hudyatin tanang kalaguyo,

mga kapwa bata ng pahat kong kuro,

ang aming hudyatan ay mapaghuhulo:

“Sa tapat ng lolo tayo maglalaro.”


Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon,

sa bawat paghihip ng amihang simoy,

iyang nakasabit na naiwang parol

nariyan ang diwa noong aming ingkong.


Nasa kanyang kulay ang magandang nasa,

nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa,

parang sinasabi ng isang matanda:

“Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.”



Mensahe

Sa unang saknong, mapapansin natin ang mga salitang “Isang papel itong ginawa ng lolo may pula, may asul, may buntot sa dulo” ay dito inilalarawan kung pano gumawa ang lolo ng isang magandang parol.

Sa ikalawa naman, dito  mapapansin natin ang mga salitang "at kung gabi namang malabo ang buwan sa tapat ng parol doon ang laruan" at sinasalubong ang Paskong malamig. Kung kami’y tutungo doon sa simbahan ang parol ang aming siyang tagatanglaw,

Ikatlong sakno naman ay at kung gabi namang malabo ang buwan sa tapat ng parol doon ang laruan. Kung aking hudyatin tanang kalaguyo, mga kapwa bata ng pahat kong kuro.

Ikaapat na sakno, dito pumanaw man ang lolo, magbabalik ang kaniyang alaala tuwing kapaskuhan dahil sa magagandang karanasang idinulot niya sa kaniyang apo, at kabilang na dito ang paglikha ng marikit na parol tuwing kapaskuhan. 

At ang panghuling sakno, gaya ng sinaunang bituin, ay inaasahang magniningning at tatanglaw sa isip at kalooban ng bata kahit sabihing naulila na ang bata.



Comments

Popular posts from this blog