"Agaw-Dilim"


Namatay ang araw

sa dakong kanluran,

nang kinabukasa’y

pamuling sumilang,

ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw

ay bukod-tangi kang di ko na namasdan?


Naluoy sa hardin

ang liryo at hasmin,

Mayo nang dumating

pamuling nagsupling,

ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw

dalawang Mayo nang nagtago sa akin?


Lumipad ang ibon

sa pugad sa kahoy,

dumating ang hapon

at muling naroon,

ngunit ikaw, buhay, ano’t hangga ngayo’y

di pa nagbabalik at di ko matunton?



Mensahe


Sa unang talata ang sinasabi dito ay nagbago na ang mundo ko noong pumanaw siya, 

ikaw na nga nagpapabago ang buhay niya. Dito naman sa ikalawang talata ang mga 

masayang ala ala at mga araw maraming pinagdadaanan pero an doon siya lagi para 

suportahan siya. At pang huli ito ang pinagalungkot noong nalaman na pumanaw na 

ang pinaka importanteng tao sa kanya at ang mga huling paalam bago siya nawala 

sa kanilang paningin.


Comments

Popular posts from this blog