"Kamay ng Birhen"


Mapuputing kamay, malasutla’t lambot

kung hinahawi mo itong aking buhok

ang lahat ng aking dalita sa loob

ay nalilimot ko nang lubos na lubos.


At parang bulaklak na nangakabuka

ang iyong daliring talulot ng ganda;

kung nasasalat ko, O butihing sinta,

parang ang bulakiak kahalikan ko na.


Kamay na mabait, may bulak sa lambot

may puyo sa gitna paglikom sa loob,

magagandang kamay na parang may gamot,

isang daang sugat nabura sa haplos.


Parang mga ibong maputi’t mabait

na nakakatulog sa tapat ng dibdib

ito’y bumubuka sa isa kong halik

at sa aking pisngi ay napakatamis.


Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen

ay napababait ang kahit salarin;

ako ay masama, nang ikaw’y giliwin

ay nagpakabait nang iyong haplusin.


Mensahe


Nagsisimula ito sa pagkabata at patuloy itong nagiging matayog hanggang sa pagtanda. Ngunit lahat ng bagay ay may katapusan. Dumadating tayo sa punto ng ating buhay na kailangan na nating mamaalam sa mga mahal natin sa buhay. Kayat habang nabubuhay, matuto tayong magpahalaga sa buhay na binigay sa atin ng Diyos. 


Comments

Popular posts from this blog