"Itanong mo sa Bituin"


Isang gabi'y manungaw ka. Sa bunton ng panganorin

ay tanawin ang ulila't naglalamay na bituin;

Sa bitui'y itanong mo ang ngalan ng aking giliw

at kung siya'y magtatapat, ngalan mo ang sasabihin.


Ang bitui'y kapatid mo. Kung siya ma'y nasa langit,

ikaw'y ditong nasa lupa't bituin ka ng pag-ibig;

dahil diya'y itanong mo sa bituin mong kapatid

kundi ikaw ang dalagang minamahal ko nang labis.


Itanong mo sa bitui't bituin ang nakakita

nang ako ay umagahin sa piling ng mga dusa;

minagdamag ang palad ko sa pagtawag ng Amada,

ngunit ikaw na tinawag, lumayo na't nagtago pa.



Mensahe

Ang pagkakaintindi, ang nilalaman ng tulang ito ay isang kwento ng lalaki na nagtatanong sa bituin kung anong pangalan ng kanyang minamahal

Sa aking pagkakaintindi dito sa unang sakno,  sa isang gabi lumabas siya para manalangin at tumanong sa mga bituin na sana matupad ang kanyang hinihiling at mapasakanya siya.

Sa pangalawa naman ay kung butuin ang kanyang kapatid na pinababasiya sa lupa, siya naba ang para sa kaniya.

At pang huli, dito makikita na siya ay lubos na nagpapasalamat na binigyan siya ng pagkakataon na makuha siya.


Comments

Popular posts from this blog