Sintesis


    Ang blog na ito ay isang koleksyon ng mga pagsusuri ng mga tula ni Jose Corazon de Jesus. Ang mga tula na binigyang pagsusuri ay ang mga sumusunod; “Ang Magandang Parol”, “Kamay ng Birhen”, “Agaw-Dilim”, “Kahit saan” at “Itanong mo sa Bituin”. Marami leksyon at kaalaman ang maaring mapulot sa mga tula ni Jose Corazon de Jesus. Kada tula nya ay may mga magagandang kaisipan na tumatakay sa paksa at mga imaheng nabubuo sa mga imahinasyon ng mambabasa. Ang tulang "Ang Magandang Parol" ay tungkol sa isang lolo na may ginawang magandang parol. Ang parol ay ang tradisyunal na parol na ubiquitous sa panahon ng kapaskuhan sa Pilipinas. Ang tulang "Kamay ng Birhen" ay isang tula na nananahan sa kagandahan at likas na kakayahan ng isang dalaga na baguhin ang isang hamak na tao sa isang mabuting tao. Ang tulang "Agaw-Dilim" ay isinulat ni Jose Corazon De Jesus o mas kilala rin sa tawag na Huseng Batute. Upang suriin ang tulang ito, gagamitin ko ang teoryang Social-Exchange. Ang tulang "Kahit saan" ay isinasalaysay ng isang personang nangungusap sa kanyang iniibig sa kasintahang mahihinuha nating mga mambabasa na wala sa kanyang piling. Tila ang dalawang tauhan sa tula, ang nagsasalita at ang kanyang kausap, ay pinaghihiwalay ng napakalawak at napakalalim na distansya na tanging ang kanilang pagmamahalan lamang ang makatatawid. Makikita natin dito ang ilan sa napakaraming mukha ng pag-ibig: panghihinayang, pagtatangi, paghihintay. Ang tulang "Itanong mo sa bituin" ay naghahanap ng mga sagot sa setting ng isang madilim na gabi na punong-puno ng mga ulap at ang partikular na bituin na ito na sabik niyang maabot. Sa bituing ito, gusto niyang tanungin o hulaan ang pangalan ng kanyang “giliw” o pag-ibig, tanungin kung tatanggapin ba siya o hindi, at pantay na ikumpara ang mga bituin bilang kanyang mga kapatid habang buong puso niyang pinagkakatiwalaan ang mga bituing ito dahil wala siyang binibilang sa kanyang problema kundi sa bituin lamang na iyon.




Comments

Popular posts from this blog